Thursday, April 23, 2009

To Spank or not to Spank

11:53 AM by Anonymous ·
Kahapon napalo ng aking husband ang aming anak kasi nandudura daw. Naalala ko tuloy nung huli at una kong palo na natatandaan sa aking tatay nung second year high school na ako. Bayaw ko ang may kasalanan kaya lang di pwedeng sya ang paluin.

Ipinaalala ko sa husband ko ang usapan namin na di kami mamamalo ng aming anak. Pero sabi nya sa akin papaluin na na nya ang aming anak kasi sumusobra na. Minsan kasi napapalo ko rin ng aking kamay sa puwet pero di gasino masakit yun compare sa sinturon na ginamit nya.

Hindi nya pinapansin ang bata kahit kinakausap sya. Dapat kinausap nya ang bata pagkatapos nya paluin para ipaliwanag ang mali na ginawa nya. Tapos di nya dapat pinalo ang bata ng galit sya kasi malakas ang hit ng palo pag galit ang tao. Nasa office kasi ako ng mangyari iyon. Di ko maiwasan ang maiyak kagabi kasi kahit asawa ko pa ang pumalo sa aming anak di ko tanggap bilang mother ng bata na may sasakit sa aking anak.

Para sa akin di dapat paluin ang bata, lalong lalo na kung galit ka. Ang tutuo wala naman sa bata ang problema kundi nasa atin na matanda. Madalas di natin sila iniintindi. Katulad ko kapag narito sa office (company quarter) ang anak ko lagi ko pinagagalitan. Mula ngayon sisikapin ko na disiplinahin ang aking anak ng di ako nagagalit at di nilalapatan ng kamay upang saktan sya kahitkuro lang.

0 comments:

Post a Comment

Blog Archive

Powered By Blogger