Friday, April 17, 2009

Having Another Child

11:59 AM by Anonymous ·
Halos lahat ng mga kakilala namin ay nagsasabi na sundan na namin ang aming anak. Mahirap ang isa lng ang anak walang kalaro. Subalit ang aking asawa ay ayaw ng dagdagan pa ang aming anak hindi nya daw kayang buhayin.

Hanggang ngayon kasi ay lubog pa kami sa utang sa credit card. Tapos both parents namin ay nagkasakit. Tama lang kasi para sa kasama sa bahay ang kinikita husband ko.

Naiisip ko rin ang hirap bago ko mapalaki ang aking anak. Pag-uwi ko kasi galing sa work ako ang nag-aasikaso ng aking anak. Iniisip ko rin kung paano ko hahatiin yung attention ko sa kanila. Ayaw ko kasi na meron favorite.

If ever na susundan pa namin an gaming anak dapat magdecide kami until next year kasi 39 years old na ako ngayon. Syempre panibagong puyat at charges sa credit para sa gatas at diaper.

0 comments:

Post a Comment

Blog Archive

Powered By Blogger