Monday, April 27, 2009

Ginger-Remedy for My Sinusitis

5:08 PM by Anonymous ·
Ang hirap ng pakiramdam ng may sinusitis na katulad ko. Ang totoo nyan ako nagpapa-suction na ako sa ENT ko. Lahat ng malaman ko na na herbal na pwede makatulong sa sinusitis ko aking iniinom. Ang inayawan ko lang at di na ako uli iinom ay yung katas ng malunggay. Sobra ang init ng pakiramdam ko sa katawan at di ako makatylog.

Ito pa ang problema ko, kasi kapag sumasakit ang ulo ko talagang nagsusuka ako kaya pinaiinom ako ng aking ENT ng Mefenamic Acid. Pero sabi ng mga kapatid ko masama daw sa kidney kaya nag consult ako sa Kidney Specialist at tama nga ang sabi ng aking mga kapatid. Dapat once or twice lang a week ang pag take ko ng gamot na yun.

Almost three weeks na sinunod ko yung advice ng friend ko na luya lang ang igamot ko. Gawin ko salabat pero walang sugar. At totoo nga, buhat ng ako ay uminom ng salabat di pa ako umiinom ng gamot. Kapag umaga di na mabigat ang pakiramdam ko. Wala na yung barado sa aking mga sinuses. Try nyo rin.

0 comments:

Post a Comment

Blog Archive

Powered By Blogger