Tuesday, June 30, 2009

Why I Am Here

1:35 PM by admin · 0 comments
Ang tagal ko ng gusto umalis sa aking work pero di ko magawa. Nung single pa ako di ako pwede ma-unemployed kasi kailangan kong magpadala ng pera kada bwan para sa maintenece ni Inay sa high blood. Tapos nung magasawa na ako at makapanganak ayaw ko na bumalik sa work. Gusto ko ako na lang mag-alaga sa aming anak pero sabi ng asawa ko di nya kaya kasi sobra ang baba ng sweldo nya.

Bagaman ako ay nag work di pa rin naming kinaya ang gastusin kasi kailangan namin kapwa tumulong sa aming mga magulang. Marami ang umaasa sa aming tulong. Nabaon kami sa malaking pagkakautang kaya hanggang ngyon ay narito pa rin ako sa aking work.
Read More...

Monday, June 29, 2009

The Thruth About Death

5:10 PM by admin · 0 comments
Ano nga ba ang thruth about death. Tulad ngayon sa pagkamatay ng sikat na si Michael Jackson. Nasaan na ang kanyang kaluluwa. Napupunta ba talaga sa purgatoryo ang kaluluwa ng taong namatay. Ang isa pa ay nakakausap ba talaga ang kaluluwa ng taong namatay sa pamamagitan ng isang medium.

Ang hininga ng taong namatay ay nagbabalik sa Dios at ang katawan ay bumabalik sa alabok. Walang katotohanan ang sinasabi na purgatoryo at pagkausap sa kaluluwa ng namatay.
Read More...

Monday, June 22, 2009

Get Out of Your Debt

1:06 PM by Anonymous · 0 comments
"Get out of your debt, you will become a slave." That's the text message of my friend after letting her know my financial problem. My friend was true as it is written in Proverbs 22:7, “The borrower is slave to the lender.”

I surf the internet for other income to get out of my debts. Finally, I joined two Data Entry position and invested the remaining credit card balance in PTC's and Auto surfs. After several months, I received two payment checks from Data entry position, enough for the membership fees upon joining and no more while my investment in PTC's and Auto surfs was not recovered until now.

Do not use your credit card to earn online, especially if you wanted to pay your debts. It is very tempting to join one after another if you are scammed to recover your investment as if you are gambling and you will incur more debts in the end. But here are some tips get out of your debts:

1. Stop using Credit Cards only Cash.
2. Live within your means.
3. Prioritized to pay all your debt before saving.
4. Avoid impulse purchase. That means, save before you buy.
5. Use your credit card wisely.
Read More...

Wednesday, June 17, 2009

Deleting Blog

5:08 PM by Anonymous · 0 comments
Nag undelete blogs ako. Kapag pala ang blog na indexed na ng search engine tapos non-zero page rank, hindi dapat i-delete. Pwede kasi gamitin iyon sa spamming.Dapat delete posts lang tapos hintayin mo na ang cached copies sa web ay mag disappear.
Read More...

Monday, June 8, 2009

Sixth Wedding Anniversary

9:10 AM by Anonymous · 0 comments
Ngayon ay Sixth Wedding Anniversary namin. Parang kailan lang, anim na taon na pala ang nakalipas.

Ano ba ang pwede kong ipagpasalamat sa Panginoon. Kung iisipin ko yung hirap ng buhay na dinaranas ko ngayon sa buhay may-asawa. Kapos na kapos talaga kami sa pananalapi. Tapos masyado pa akong sakitin ngayon. Nitong nakaraang 10 days ay may sakit ang anak ko at hanggang ngayon ay meron pa rin sya ubo at sipon.

Sa lahat ng karanasang aking dinaraanan, nais kong pasalamatan ang Panginoon dahil sa hanggang ngayon ay magkasama pa rin kaming mag-asawa. Higit sa lahat, ang pasasalamat ko sa ipinagkaloob sa akin na little boy. Si Jhon Vinzen na ngayon ay 5 years old na.
Read More...

Tuesday, June 2, 2009

My Son is Still Sick

3:14 PM by Anonymous · 0 comments
Hanggang ngayon umaga may fever pa rin si Vinzen. Kagabi bumili na ko ng gamot sa ubo kasi inuubo na rin sya. Mula pa ng Friday sya may sakit. Malayo na kasi kami dun sa Pedia nya. Sabi nya paggising kanina, punta na lang kami sa doctor huwag lang sa malayo.

Naiisip ko tuloy, baka meron sa pilay na naman. Problema, wala naman dito hilot sa aming nilipatan na village. Di ko alam kung saan meron. Mula kasi nung maliit sya, pag meron sya sipon, ubo at lagnat pinahihilot ko muna sya. Tapos obserbahan ko ng two days, kapag di nawala ang lagnat dadalhin ko na sa kanyang Pedia.

Madalas, nawawala lagnat nya at tuluyan na syang gumagaling kung meron sya pilay. Pag dinala ko kasi sya sa kanyang Pedia lagi syang meron antibiotic. Kaya kung gagaling sya sa hilot ni "Mang Ambo" or "Kuya Boy" or "Michael" di ko na lang muna sya dinadala kay doktora. Hindi dahil sa ayaw ko ng gastos, kundi ayaw ko sya na laging naka-antibiotic.
Read More...

Blog Archive

Powered By Blogger