Tuesday, June 2, 2009

My Son is Still Sick

3:14 PM by Anonymous ·
Hanggang ngayon umaga may fever pa rin si Vinzen. Kagabi bumili na ko ng gamot sa ubo kasi inuubo na rin sya. Mula pa ng Friday sya may sakit. Malayo na kasi kami dun sa Pedia nya. Sabi nya paggising kanina, punta na lang kami sa doctor huwag lang sa malayo.

Naiisip ko tuloy, baka meron sa pilay na naman. Problema, wala naman dito hilot sa aming nilipatan na village. Di ko alam kung saan meron. Mula kasi nung maliit sya, pag meron sya sipon, ubo at lagnat pinahihilot ko muna sya. Tapos obserbahan ko ng two days, kapag di nawala ang lagnat dadalhin ko na sa kanyang Pedia.

Madalas, nawawala lagnat nya at tuluyan na syang gumagaling kung meron sya pilay. Pag dinala ko kasi sya sa kanyang Pedia lagi syang meron antibiotic. Kaya kung gagaling sya sa hilot ni "Mang Ambo" or "Kuya Boy" or "Michael" di ko na lang muna sya dinadala kay doktora. Hindi dahil sa ayaw ko ng gastos, kundi ayaw ko sya na laging naka-antibiotic.

0 comments:

Post a Comment

Blog Archive

Powered By Blogger