Monday, June 8, 2009

Sixth Wedding Anniversary

9:10 AM by Anonymous ·
Ngayon ay Sixth Wedding Anniversary namin. Parang kailan lang, anim na taon na pala ang nakalipas.

Ano ba ang pwede kong ipagpasalamat sa Panginoon. Kung iisipin ko yung hirap ng buhay na dinaranas ko ngayon sa buhay may-asawa. Kapos na kapos talaga kami sa pananalapi. Tapos masyado pa akong sakitin ngayon. Nitong nakaraang 10 days ay may sakit ang anak ko at hanggang ngayon ay meron pa rin sya ubo at sipon.

Sa lahat ng karanasang aking dinaraanan, nais kong pasalamatan ang Panginoon dahil sa hanggang ngayon ay magkasama pa rin kaming mag-asawa. Higit sa lahat, ang pasasalamat ko sa ipinagkaloob sa akin na little boy. Si Jhon Vinzen na ngayon ay 5 years old na.

0 comments:

Post a Comment

Blog Archive

Powered By Blogger