Thursday, May 28, 2009

Tatay 79th Birthday

9:31 AM by Anonymous ·
Ngayon ay 79th Birthday ni Tatay. Natatandaan ko pa yung huling pagbati ko sa kanya. Nagalit s'ya at ang sabi sa akin, "Gusto kong gumaling ang iyong Ina". Ang sagot ko naman, "Hindi ako Dios para mapagaling si Inay".

Ng panahong iyon ay kasalukuyang may malubhang sakit si Inay. Mayroon syang Pancreatic Canser at dalawang buwan na lang ang taning ng doctor sa buhay nya.

Sa ngayon ay nag-iisa na si Tatay sa aming bahay. Alam kong malungkot sya at maraming karamdaman. Kahit malayo ako sa kanya ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang mahalagang kaarawan sa buhay nya.

0 comments:

Post a Comment

Blog Archive

Powered By Blogger