Sunday, May 24, 2009

Do Not Litter Anywhere

4:31 PM by Anonymous ·
Papunta ako sa office galing sa aming quarter may napansin akong balat ng saging sa may pathway. Naisip ko agad na aking anak ang nagtapaon dun. Kaya ginawa ko, bumalik ako sa aming quarter at sinundo ko ang sya. Dinala ko sya dun sa balat ng saging at umanin sya na sya nga ang nagtapon. Kaya pinapulot ko sa kanya at sinamahan ko sya dun sa tapunan ng basura.

Pagkatapos, umuwi kami muli sa aming quarter. Pagbalik ko meron akong nakita na lalaki na nagbubukas ng pakete ng kanyang sigarilyo. Ang masaklap, dun lang sa tabi ng pathway nya itinapon ang basura mya. Gusto ko sana pagsabihan, pero di ako yung right person na magsabi sa kanya.

Paano ba yan, eh yung mga matatanda kulang sa disiplina. Ang magagawa ko lang, i-remind lagi ang aking anak na, "Dapat ang Basura, Itapon sa Basurahan Lang."

0 comments:

Post a Comment

Blog Archive

Powered By Blogger