Sunday, May 31, 2009

Common Cold

7:55 PM by Anonymous · 0 comments
Dalawang gabi na akong puyat kasi tinamaan ng sipon ang aking anak. Iyak siya ng iyak kapag gabi kasi di siya makahinga.

Buhat ng lumipat kami ng bahay, ngayon lang uli siya nagkasakit. Meron din siya lagnat, kaya pinainom ko siya ng paracetamol.

Wala akong piniinom na gamot sa kanya sa sipon. Wala naman kasi gamot para matunaw ang sipon. Pinaiinom ko lang siya ng tubig. Steam inhalation sana, kaso ayaw naman nun kasi mainit.
Read More...

Thursday, May 28, 2009

Tatay 79th Birthday

9:31 AM by Anonymous · 0 comments
Ngayon ay 79th Birthday ni Tatay. Natatandaan ko pa yung huling pagbati ko sa kanya. Nagalit s'ya at ang sabi sa akin, "Gusto kong gumaling ang iyong Ina". Ang sagot ko naman, "Hindi ako Dios para mapagaling si Inay".

Ng panahong iyon ay kasalukuyang may malubhang sakit si Inay. Mayroon syang Pancreatic Canser at dalawang buwan na lang ang taning ng doctor sa buhay nya.

Sa ngayon ay nag-iisa na si Tatay sa aming bahay. Alam kong malungkot sya at maraming karamdaman. Kahit malayo ako sa kanya ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang mahalagang kaarawan sa buhay nya.
Read More...

Sunday, May 24, 2009

Do Not Litter Anywhere

4:31 PM by Anonymous · 0 comments
Papunta ako sa office galing sa aming quarter may napansin akong balat ng saging sa may pathway. Naisip ko agad na aking anak ang nagtapaon dun. Kaya ginawa ko, bumalik ako sa aming quarter at sinundo ko ang sya. Dinala ko sya dun sa balat ng saging at umanin sya na sya nga ang nagtapon. Kaya pinapulot ko sa kanya at sinamahan ko sya dun sa tapunan ng basura.

Pagkatapos, umuwi kami muli sa aming quarter. Pagbalik ko meron akong nakita na lalaki na nagbubukas ng pakete ng kanyang sigarilyo. Ang masaklap, dun lang sa tabi ng pathway nya itinapon ang basura mya. Gusto ko sana pagsabihan, pero di ako yung right person na magsabi sa kanya.

Paano ba yan, eh yung mga matatanda kulang sa disiplina. Ang magagawa ko lang, i-remind lagi ang aking anak na, "Dapat ang Basura, Itapon sa Basurahan Lang."
Read More...

Friday, May 22, 2009

Katrina Halili and Hayden Kho Video Scandal

12:07 PM by Anonymous · 0 comments
Lahat na lang usapan na narinig ko ngayong umaga ay tungkol video scandal ni Katrina Halili at Hayden Kho. Meron naaawa kay Katrina, meron din naman nagsasabi na buti nga yan sa kanya.

Ano ba ang dahilan ng mga ganitong escandalo? Dahilan sa walang kasal bago gawin ang pagtatalik. Kinakailangang kasal ang dalawang individual bago magtalik. Alam mo kung merong kasal, hindi magagawa ng isa na ipakita sa iba ang kanilang ginawa. Kahihiyan nila yun pareho. Kaya imoralidad ang issue dito.

Ano ang tungkulin natin sa nangyari na ito? Para sa akin, bawat tahanan at lahat ng sekta na simbahan ay dapat magturo sa mga kabataan ng tamang pakikipagrelasyon. Ituro ang limitaion lalo na ngayong maraming napapanod na kalaswaan sa telivsion o internet. Maging lesson sa bawat isa ang nangyaring ito.
Read More...

Tuesday, May 19, 2009

Batangas Port

9:37 AM by Anonymous · 0 comments
Sa loob ng 20 taon buhat ng una akong sumakay ng barko mula sa amin ay napalaki ng naging pagbabago. Kasabay ng mga pagbabago na ito ay ang dagdag gatusin ng mga pasahero.

Wala akong puna sa kagandahan ng port ngayon. Sa pagkakaroon lang ng terminal fee ako di nasisiyahan. Ang aking anak na limang taon ay obligado na aking kunan ng terminal ticket sa halagang P10.00. Ano ba ang P10.00 kung iisipin, ang problema pinagpawisan ang aking anak kasi ang laki ng terminal pero lahat ng aircon ay di gumgana. Meron lang ilang electric fan na gumagana at hindi sapat sa lahat ng nasa loob ng terminal.
Read More...

Tuesday, May 5, 2009

Back to Original Diet

10:25 AM by Anonymous · 0 comments
Marami ngayong sakit ang mga tao dahilan mga kinakain. Tulad na lang ng “swine flu” ngayon na kinatatakutan. Ilan sa mga kasama ko ay di na bumibli kasi natatakot, yung iba naman sige lang ang bili kasi ang dahilan nila ay walang iba na mabili sa carinderia.

Kahit walang swine flu di pa rin dapat kainin ang karne ng baboy dahil sa ito ay pinagmumulan ng maraming sakit. Naalala ko yung sabi sa akin ng auntie ng husband ko, “Di ka kasi kumakain ng karne kaya ka payat”. Kumakain naman ako pero talagang bihira lang. Mahina kasi ang panunaw ko sa mga karne. At alam kong di ko kailangan ang kumain ng karne upang magkaroon ng sapat na protina ang aking katawan. P wede makuha iyon sa ibang pagkain tulad ng legumes. Hindi ko kailangan maging mataba. Aang mahalaga ay wala akong sakit.

Sa panahong ito higit natin kailangan na bumalik sa original diet na design sa tao. Mahirap ang buhay ngayon kaya ang pagkain ng fruits, nuts, and vegetables ang solution upang makaiwas sa sakit.
Read More...

Blog Archive

Powered By Blogger