Thursday, April 30, 2009

Forget (Poem)

11:40 AM by Anonymous · 0 comments
Isa ito sa collection ko ng poem. Gusto kong ibahagi at inaasahan kong makatulong sa lahat.

Forget

Forget the faults of other folks-
They got 'em, so have you.
Remembering them does you no good;
We know that this is true.

If they are bad, be on your guard;
Avoid them do not hate;
Do not poison mind and heart
For anybody's sake.

If enemies you think they are,
Just give them lots of space;
It is better plan by far
And shows a better grace.

Forget there's any gossip;
'Tis a hideous thing;
No matter how it's brought to you,
Don't let it leave a sting.

Your gloomy moods try to forget;
Chase all of them away;
There's lots of joy and pleasure yet
And many a gladsome day.

Forget all bad-just let it die
And never resurrect it.
"I'll look for good"-make that you cry;
You'll find it-don't forget it.

- Author Unknown
Read More...

Wednesday, April 29, 2009

At Last, I Know How to Reformat Now

8:03 PM by Anonymous · 0 comments
Ngayong araw na ito ako na ang nag reformat ng computer ko. Tinuruan ako ng kasama ko dito sa opisina. matagal ko na gusto matuto mag reformat kasi nahihiya na ako sa gumagawa dito sa office namin kasi lagi akong may virus.

Pagkatapos kong malaman ngayon ang paggawa, pakiramdam ko di na ako natatakot na masira ang computer ko. Kahit pa mapaglaruan ng anak ko, walang problema kasi ako na ang mag reformat anytime. Thanks sa nagturo sa akin at sa kasama kong palagi ng nag reformat ng computer ko.
Read More...

Monday, April 27, 2009

Ginger-Remedy for My Sinusitis

5:08 PM by Anonymous · 0 comments
Ang hirap ng pakiramdam ng may sinusitis na katulad ko. Ang totoo nyan ako nagpapa-suction na ako sa ENT ko. Lahat ng malaman ko na na herbal na pwede makatulong sa sinusitis ko aking iniinom. Ang inayawan ko lang at di na ako uli iinom ay yung katas ng malunggay. Sobra ang init ng pakiramdam ko sa katawan at di ako makatylog.

Ito pa ang problema ko, kasi kapag sumasakit ang ulo ko talagang nagsusuka ako kaya pinaiinom ako ng aking ENT ng Mefenamic Acid. Pero sabi ng mga kapatid ko masama daw sa kidney kaya nag consult ako sa Kidney Specialist at tama nga ang sabi ng aking mga kapatid. Dapat once or twice lang a week ang pag take ko ng gamot na yun.

Almost three weeks na sinunod ko yung advice ng friend ko na luya lang ang igamot ko. Gawin ko salabat pero walang sugar. At totoo nga, buhat ng ako ay uminom ng salabat di pa ako umiinom ng gamot. Kapag umaga di na mabigat ang pakiramdam ko. Wala na yung barado sa aking mga sinuses. Try nyo rin.
Read More...

Thursday, April 23, 2009

To Spank or not to Spank

11:53 AM by Anonymous · 0 comments
Kahapon napalo ng aking husband ang aming anak kasi nandudura daw. Naalala ko tuloy nung huli at una kong palo na natatandaan sa aking tatay nung second year high school na ako. Bayaw ko ang may kasalanan kaya lang di pwedeng sya ang paluin.

Ipinaalala ko sa husband ko ang usapan namin na di kami mamamalo ng aming anak. Pero sabi nya sa akin papaluin na na nya ang aming anak kasi sumusobra na. Minsan kasi napapalo ko rin ng aking kamay sa puwet pero di gasino masakit yun compare sa sinturon na ginamit nya.

Hindi nya pinapansin ang bata kahit kinakausap sya. Dapat kinausap nya ang bata pagkatapos nya paluin para ipaliwanag ang mali na ginawa nya. Tapos di nya dapat pinalo ang bata ng galit sya kasi malakas ang hit ng palo pag galit ang tao. Nasa office kasi ako ng mangyari iyon. Di ko maiwasan ang maiyak kagabi kasi kahit asawa ko pa ang pumalo sa aming anak di ko tanggap bilang mother ng bata na may sasakit sa aking anak.

Para sa akin di dapat paluin ang bata, lalong lalo na kung galit ka. Ang tutuo wala naman sa bata ang problema kundi nasa atin na matanda. Madalas di natin sila iniintindi. Katulad ko kapag narito sa office (company quarter) ang anak ko lagi ko pinagagalitan. Mula ngayon sisikapin ko na disiplinahin ang aking anak ng di ako nagagalit at di nilalapatan ng kamay upang saktan sya kahitkuro lang.
Read More...

Friday, April 17, 2009

Having Another Child

11:59 AM by Anonymous · 0 comments
Halos lahat ng mga kakilala namin ay nagsasabi na sundan na namin ang aming anak. Mahirap ang isa lng ang anak walang kalaro. Subalit ang aking asawa ay ayaw ng dagdagan pa ang aming anak hindi nya daw kayang buhayin.

Hanggang ngayon kasi ay lubog pa kami sa utang sa credit card. Tapos both parents namin ay nagkasakit. Tama lang kasi para sa kasama sa bahay ang kinikita husband ko.

Naiisip ko rin ang hirap bago ko mapalaki ang aking anak. Pag-uwi ko kasi galing sa work ako ang nag-aasikaso ng aking anak. Iniisip ko rin kung paano ko hahatiin yung attention ko sa kanila. Ayaw ko kasi na meron favorite.

If ever na susundan pa namin an gaming anak dapat magdecide kami until next year kasi 39 years old na ako ngayon. Syempre panibagong puyat at charges sa credit para sa gatas at diaper.
Read More...

Monday, April 13, 2009

Long Planned Blogging

3:23 PM by Anonymous · 0 comments
Alam nyo ang tagal ko ng gusto na gumawa ng blog. Siguro sobra ng isang taon ang nakakalipas. Bakit nga di ako makagawa.

Ganito yun. Isa lng ang aking problema. Yun ay di ako maruning magsulat sa inlges ng walang taga-edit. Ang dami kong gusto isulat di ko magawa. Matagal na akong sinabihan ng aking office mate na dalawa ang gawin ko na blog isa sa ingles at isa sa tagalog. Yung content isa lng itranslate ko lng sa ingles.

Sa kagustuhan ko na gumawa ng blog nagsimula akong magreview ng grammar. Ang problema di ko na rin masyado madigest kasi may work ako at wala akong kasama sa bahay para mag-asikaso sa aking anak.

Today, I decided na gumawa ng blog sa paraan na kaya ko. Napakarami ang nais kong ibahagi at later on, gagawa rin ako ng blog sa inlges kapag kaya ko ng walang editor.
Read More...

Blog Archive

Powered By Blogger